"Wala ng problema sa loob?" Kahit na malinaw na natutuwa si Happy Sheep ay hindi pa rin siya mapakali. Naging kaparehas kay Wolf Head ang hinalang tumatakbo sa isipan niya. Kung talagang maganda nga ang sitwasyon sa loob ay bakit isa-isang namamatay ang mga kasamahan niya?
"Oo, masyadong maganda ang sitwasyon sa loob." Pagkukumpirma ng dalawang manlalaro: "Noong una ay nahirapan rin kami kasi hindi pa kami masyadong sanay sa pakikipaglaban sa BOSS. Pero matapos ang ilang mga pagkakamali ay alam na namin kung ano ang dapat naming gawin..."
"At saka, 'yung taong 'yun ay parati namang nagbibigay ng mga babala at utos sa amin, kaya kapag sinunod lang natin siya'y paniguradong matatapos natin ang dungeon."
Matapos marinig ang mga katagang ito ay namula sa kahihiyan ang mukha ni Happy Sheep. Sa huli, nagtanong siya at sinabi: "Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa?"