Syempre, pinalitan ni Unrivaled Super Hottie si Happy Sheep bilang tagapagbigay ng utos sa buong grupo. Nagbago na rin ang tono ng kaniyang pananalita, kakasimula pa nga lang niya sa kaniyang trabaho ay pinapagalitan na niya ang pangkalahatang pinuno na si Happy Sheep.
Marami-rami sa mga manlalaro ang nagalit matapos nilang marinig ang tono ng pananalita ni Unrivaled Super Hottie kay Happy Sheep. Kahit na totoo naman na hindi pa nila nakakaharap ang BOSS na ito, ay mga sampung minuto lang rin naman ang ginugol ni Unrivaled Super Hottie sa pagsasaliksik sa BOSS na ito.
Dahil diyan ay kinailangan ba talaga niyang higpitan silang lahat, kung parehas lang naman silang halos walang nalalaman? At saka, ang pagbabasa sa isang patnubay at ang gawin iyon bilang basehan sa kanilang mga galawan ay nagagawa ng kahit na sino man sa kanila.