Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 566 - Hindi Ko Hahayaang Makapagsamantala Ka

Chapter 566 - Hindi Ko Hahayaang Makapagsamantala Ka

Sa mga sandaling tumumba na ang naunang BOSS ay nagkaroon na rin ng kasagutan sa wakas ang kanilang mga katanungan. Hindi nila inaasahan na harap-harapan talagang kakalabanin ni Unrivaled Super Hottie ang unang BOSS sa pamamagitan lamang ng husay at galing niya para mailagan ang mga atake't babaan ang pinsalang tinatamo niya sa labanan.

Kahit na hindi mo naman talaga mapapansin ang pangalan niya sa kahit na anong listahan ay napansin na ng lahat na siya nga ay isang malakas na manlalaro. Idagdag pa na mga basura ang kagamitan ni Unrivaled Super Hottie, isang pambihirang pangyayari na nagagawa niyang makipagsabayan sa mga manlalarong kagaya nila na may malalakas na kagamitan.

Binubulungan ng mga manlalarong nasa grupo ni Happy Sheep ang isa't-isa, ang kanilang usapan ay tungkol kay Unrivaled Super Hottie. Sa kanilang pagkawili tungkol sa kaniya ay nakalimutan pa nga nila kung ano ang mga kagamitang nahulog mula sa unang BOSS.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS