Walang naging pakialam si Crispy Bean sa kahit na anong kagamitang nahuhulog mula sa Bone Dragon Abyss. Kani-kanina lang ay talagang inisip pa nitong Unrivaled Super Hottie na ito na makikipagagawan siya sa palakol na nahulog mula sa BOSS.
Dahil dito ay naramdaman niya tuloy na parang hinahamak siya.
"Bakit? Ayaw mo nito? Kung ayaw mo ay sino pa ba ang may gusto nito?" Nagtanong si Ye Xiu.
Talagang nag-alala si Clove dahil sa ipinakitang pag-uugali ni Unrivaled Super Hottie. Talaga bang hindi niya alam ang pamamalakad nila o nagkukunwari lang siya na hindi niya alam para manggulo?
Walang nagawa si Clove kundi magpadala na lamang ng isang pribadong mensahe: "Hindi ba't sinabihan na kita na maaring maging sipsip ka nalang, at saka maaring mapunta sa iyo ang unang kagamitan na mahuhulog mula sa BOSS? Ngayon, papaano ko pa ibibigay sa iyo ang gamit?"