Wala namang naging problema sa tanong ni Ye Xiu. Kapag nagsama-sama silang lahat para sa isang dungeon ay kadalasan naman nilang iniiba-iba ang class ng kanilang mga kasamahan. Ito'y para walang mangyaring awayan kapag naghulog na ng mga kagamitan ang BOSS na kanilang napatay.
Dahil sa kadalasang nagiging problema ito ng kahit na anong grupo ay kailangang seryosohin ang problemang ito.
Bilang tugon sa tanong ni Ye Xiu ay may isang manlalarong hindi mapigilang mainis at siya ay nagsalita: "Kaibigan, sa tingin mo ba'y kailangan ko pa ang mga kagamitan ko dito sa gamit kong ito?"
Nung marinig ito ni Ye Xiu ay malinaw na ang boses na ito ay mula sa Knight na sinasabi ni Ye Xiu, napupuno ng pagmamalaki ang boses na 'yun. Malinaw na hinahamak niya si Ye Xiu, si Ye Xiu na walang kwenta bilang isang Tank dahil sa baba ng kaniyang Vitality na nasa 750 lamang.