"Ah, iyan pala ang ibig mong sabihin. Hahaha, pasensya ka na!" Pati si Ye Xiu ay nahiya. Talagang hindi niya namalayan na nakasulat pala sa patakarang ipinadala ni Blue River ang pangalan ng Blue Brook Guild.
"Padalhan mo ako ng isa pang kopya." Sabi ni Ye Xiu kay Blue River.
"Bakit kailangan mo pa ng isang kopya?" Naguluhan si Blue River.
"Naiwala ko kasi 'yung isa." Sumagot si Ye Xiu.
Talagang ayaw na siyang bigyan pa ni Blue River, pero hindi naman maari na kokopyahin na lamang niya ang buong patakaran ng Blue Brook Guild para sa kanilang Storage House, hindi ba? Wala naman siyang pakialam kung parang ninanakaw na rin ni Ye Xiu ang lahat, talagang ayaw lang niya ng gulo!
Walang nagawa si Blue River kundi ang magpadala na lamang ng isa pang kopya. Pero dahil sa malalaman rin naman ng mga espiya na ang patakarang itinatag ng Guild Happy ay magkaparehas sa patakarang itinatag ng Blue Brook Guild.