Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 493 - Mahalagang Pagtuturo

Chapter 493 - Mahalagang Pagtuturo

"Mas marami kasi kami..."

Mayroong limang manlalaro sa kampo ng Excellent Era. Sa kampo naman ni Ye Xiu ay may pitong manlalaro kasama na sina Deception, Lord Grim at ang grupo ni Loulan Slash. Kung ang dami ng mga manlalaro ang pag-uusapan ay mas nakakalamang nga sila.

Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin na kapag mas maraming manlalaro ang kasamahan ng iyong mga kalaban ay magtatagumpay na sila habang kaharap kayo. Sa totoo nga lang ay madaling naubos ng pitong manlalarong ito ang nakalaban nilang dalawampu't-limang manlalaro noon.

Pero syempre, masyadong nakakahiya lang kasi na isipin mong nakakalamang ka na sa iyong mga kalaban dahil lang dito. Dahil diyan ay natahimik ang lahat sa mga katagang binitawan ni Ye Xiu, kasama na sa mga natahimik si Chen Guo.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS