Masasabing ang tatlong players ng Exellent era ay talaga namang dumating na mataas ang enerhiya at bumalik na dismayado na. Noong una, inakala nila na talagang magiging ligtas at madali ang laban, pero sa biglang paglitaw ng isang pang character ang nagpabalik sa kanila na wala ng dala. Ang impormasyon na natanggap nila ay walang paraan para masuri nila kung gaano ka skilled si Chasing Haze.
Para sa pro players, ang isang kalaban na hindi nila naiintindihan ay napaka nakakatakot na bagay, Lalo na kung ang kalaban ay nasa pro level din. Hindi sila pwedeng magpabaya. Kahit na wala silang pakealam kung mamatay ang characters na hinihiram nila ng isang bilyong besesm ang problema ay ang pagkamatay ng paulit ulit ng walang resulta ay talaga namang nakakasakit ng damdamin. Maliban na lang kung iyon na lang ang tanging pamimilian nila, mas pipiliin pa nila na hindi nakakahiyang mamatay para lang malaman kung gaano ka skilled ang misteryoso nilang kalaban.