Kinailangang magsama-sama ang bawat Guild na nandirito dahil sa gaya ng sinabi ni Blue River. Para makumpleto nila ang mga materyales na hinahanap ni Lord Grim ay kinakailangang magsanib-pwersa silang lahat.
Pero kapag may kahit isa lang sa kanila na umayaw sa gawaing ito ay magiging mas mahirap ang hatian sa mga materyales.
Hindi na kasali sa kanilang samahan ang Herb Garden, pero dahil sa hindi niya alam ang katotohanang iyon, ang listahang ibinigay niya ay nakabatay sa dami ng mga Guild na kalaban niya kasama na ang Herb Garden. Iyan ang dahilan kung bakit umaayaw ang mga Guild Leader na nandirito.
At sa kasalukuyang takbo ng sitwasyon ay parang hindi maari na sukuan nila ang Thousand Waves Lake, ang dalawang Guild na sumuko na sa pagbibigay ng materyales ay hindi na gustong pag-usapan pa ang isyung ito kaya minadali nilang dalawa ang lahat.
Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay nagsalita si Jiang You: "Nakapagpasiya na ba talaga kayong dalawa?"