Natigilan rin si Blue River ng ilang mga sandali bago siya sumagot ng: "Bakit naman ako tutulong sa pamumuno ng guild mo?"
"Kasi nababagot ka nga, diba?"
Ang isinagot ni Ye Xiu sa kaniyang tanong ay hindi naging malayo sa nauna niyang isinagot na naging dahilan kung bakit halos mawala sa sarili si Blue River.
Sa kakaibang sitwasyon na ito na kung saan ay binigyan pa siya ng trabaho ng taong kaniyang minamanmanan bilang isang espiya alam niya na sa totoo lang ay talagang walang maniniwala sa kaniyan kapag sinabi niya ito sa kaniyang mga kakilala.
Kung hindi lang isang mala-Diyos na manlalaro ang nagbigay sa kaniya ng trabaho na ito ay malamang naisip na ni Blue River na talagang may maling nangyayari sa paligid niya.
"Talagang wala ka namang masyadong gagawin." Nagsimulang magpaliwanag si Ye Xiu: "Kung titingnan mo ang guild chat, makikita mo na talagang mga baguhan silang lahat."