Natapos na ang mga pangyayari sa Guardian at ang mga espiya. Si Ye Xiu ay para bang wala nang pakialam sa dalawang manlalarong natira sa kaniyang grupo matapos umalis ang iba pang mga espiya.
Pero sa totoo lang ay pinagtuonan niya talaga ng pansin ang dalawang manlalarong iyon, dahil ang isang mahusay at pambihirang espiya lang ay sasapat na para sirain ang isang guild. Bago masuportahan ng isang Club ang isang Guild ay lubha pa silang mahina.
Kadalasan nga ay isang napakadaling pangyayari lang para sa mga manlalarong may pera at may kakayahan na patumbahin sila.
Kahit na walang sinabing kahit na ano si Ye Xiu sa mga manlalarong iyon matapos nilang umalis ay tinandaan pa rin niya ang pangalan nilang dalawa.
Ito lamang ang nagawa niya dahil lubhang kulang pa ang mga ebidensya niya para ibunyag ang lahat ng mga espiya ng ibang mga guild na nasa kaniyang guild.