Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 356 - Salamat sa Tulong

Chapter 356 - Salamat sa Tulong

Hindi naging madali para kay Changing Spring na marinig siya ng lahat, pero sa mga sandaling nakapagsalita na siya ay tumahimk ang lahat.

Natahimik ang buong Group Chat, at sa kampo naman ng Guild Happy ay halos hindi mapakali ang bawat espiya.

Nasabi na ni Ye Xiu ang mga salitang dapat sabihin, pero wala pa rin silang napasiyahang aksyon tungkol sa kung ano ang gagawin nilang tugon sa sinabi ni Lord Grim. Tiningnan nila ang kani-kanilang mga pinuno, pero pati sila rin ay hindi pa nakakagawa ng desisyon.

Sa ngayon ay hindi pa isinasara ni Lord Grim ang party. Sina Lord Grim, Cleansing Mist, at pati na rin sina Steamed Bun Invasion at Soft Mist ay kasali pa rin sa party. Kahit na hindi alam ng mga espiya kung ano ang ginagawa ng mga taong ito ay ramdam nilang parang nabuking na sila.

Kung ang isang espiya ay personal na ipinakilala ang kaniyang sarili sa lahat sa mga sandaling natapos niya at nagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS