Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 355 - Sinong Aalis? Sinong Mananatili?

Chapter 355 - Sinong Aalis? Sinong Mananatili?

Sa mga sandaling may nagtanong tungkol dito ay nagtaka na rin ang iba pang mga manlalaro, pero iyong mga espiya ay natigilan na para bang tinamaan sila ng kidlat.

Wala naman kasing kahit na sino sa kanila ang nag-akala na ganoon na lamang kabilis at katibay ang desisyong gagawin ni Lord Grim tungkol sa pagsipa sa kaniyang mga kasamahan, dahil dito ay nagtaka sila kung talaga bang nalalaman ni Lord Grim ang mga ginagawa nila sa simula pa lamang ng lahat.

Kung totoo ang hinala nila'y parang wala rin palang kwenta ang ginawa nilang mga plano, at ang mga itinatag nilang hangarin noong una pa lamang.

Dahil dito ay nagusap-usap na namang sa isa't-isa ang mga espiya.

Sa totoo lang ay nasa plano na talaga nila ang magpakamatay para mapahamak ang buong grupo ni Lord Grim. Pero ang planong iyan ay hindi nila prayoridad.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS