Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 347 - Ang Guild ay Nabuo

Chapter 347 - Ang Guild ay Nabuo

Nagbago ang tono ni Chen Yehui na para bang may naririnig kang agam-agam at determinasyon sa kaniyang boses. Ito ay isang lubhang kakaibang pangyayari para kay Liu Hao na namalayan ang mga pagbabagong ito.

Si Liu Hao ay isang tao na madaling mapagmasid at madali niyang nalaman na masama ang pakiramdam ni Chen Yehui. Tinapik niya ang balikat ni Chen Yehui at ngumiti: "Maghanap tayo ng lugar para uminom, doon nalang natin pag-usapan ang lahat."

Ayaw mawalan ng kaibigan si Liu Hao. Naiintindihan ito ni Chen Yehui kaya hindi na siya umalma pa't umalis silang dalawa.

Sa laro, matapos makita ang kaguluhang dinala ng sinabi ni Lord Grim ay walang kahit na sinong manlalaro ang nagkaroon ng agam-agam na ang Guild ni Lord Grim ang magiging pinakamalaking guild sa buong ika-sampung server.

Matapos lumabas ang anunsyo ay may ilang mga manlalaro na ang naka-antabay sa Guild Page, gusto nilang makita kung gagawa nga ba talaga ng Guild si Lord Grim.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS

Related Books

Popular novel hashtag