Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 26 - Nakalimutang Tingnan ang Patnubay

Chapter 26 - Nakalimutang Tingnan ang Patnubay

Syempre, Di pinatay ni Chen Guo si Ye Xiu at di siya nakapasok sa Level 5 Green Forest habang Level 1. Sa huli, kinailangan ni Chen Guo na tapusin ang mga misyon na mag isa. Kahit ano pang sabihin, mas mabilis ito kaysa sa pagpatay lang ng halimaw.

,

Sa busy niyang schedule, gumawa ng panahon si Ye Xiu para tumalikod at tumingin sa karakter niya sa sa screen, "Chasing Haze? San ko nga ba nakita 'tong ID na to?"

Muntik matumba ni Chen Guo ang monitor gamit ang kanyang ulo. Ipinakita ang kaniyang ngipin, iniliko niya ang kaniyang ulo, "Ito yung ID ng Main Account ko!"

"Sinasabi ko na nga ba!" Nakaliko na ang ulo ni Ye Xiu at nadiskubrehan ni Chen Guo, maliban nalang nung panahong pumasok ako na may face mask, hindi ko na nakita ang harapan ng taong to. Skeleton Graveyard lang naman ito, kailangan niya ba talagang mag pokus ng ganyan ka lakas?

Pero habang naisip niya yan, nawala ang kaniyang galit, kasi kailangan naman talaga niyang mag pokus ng ganyan ka lakas. Sa Skeleton Graveyard, kadalasang random na lumalabas ang mga halimaw, ang mga kalat na kalansay ay pwedeng pabigla-biglang magiging skeleton o ang skeleton ay biglang lalabas mula sa lupa.

Ang dungeon na ito'y walang naka takdang ruta o nakatakdang bilang ng mga halimaw. Ang dungeon ay kadalasang nagbabago-bago, sinusubukan ang talas at konsentrasyon ng mga player's. Idagdag pa na apat lang ang nasa party ni Ye Xiu, kaya kinakailangan nilang mag pokus pa nang masinsinan.

Kung titingnan ng ganito, may katwiran naman ang mga galaw ni Ye Xiu. Maliban nalang ang kaniyang galit. Kaya malagim na itinuloy nalang ni Chen Guo ang kaniyang mga misyon.

Sa kasalukuyan, isang araw palang ang lumipas noong binuksan ang ikasampung server. Nasa kahit saan pa ang mga Beginners na naging kadahilanan kung bakit natagalan si Chen Guo sa pagtapos ng kanyang mga misyon. Kahit ang isang sobrang bihasang si Ye Xiu ay inabot ng dalawang oras para tapusin silang lahat. Ano pa kaya kung si Chen Guo, Kahit mas mabuti ang sitwasyon kaysa kahapon, ang pagpapatayan at ang pagnanakaw na gawain ay umiiral pa rin.

Sa kalagitnaan ng proseso, may narinig siyang malamig na pagtawa, "Sinasabi ko na nga bang magiging ganito 'to."

Nagalit si Chen Guo, tinutukso niya ba ako? Pero nung ibinaling niya ang kaniyang ulo, nakita niya na si Ye Xiu ay nakasuot ng headphones at nagpagpatuloy sa pagdu-dungeon kasama ang kaniyang party! Kinakausap niya ba ang kaniyang sarili? Napasabi si Chen Guo sa sarili. Sa huli, mas mabuti pang hindi gumawa ng gulo at nagpatuloy siya sa pagpatay ng mga halimaw.

Para kay Ye Xiu at sa mga iba, sa ngayon, ang pagtapos sa Skeleton Graveyard ay mas nakakabahala kaysa delikado. Mabitak ang daanan kasi hindi mabilisang naka tugon si Seven Fields at ang iba pa sa hirap ng dungeon, at sa mga kalansay na bigla-biglang lumalabas.

Nang naitumba na ang final BOSS, si Seven Fields at iba pa ay puno ng pawis. Kung naging leader nila si Sleeping Moon imbis na si Ye Xiu, siguradong hindi nila ito matatapos. Hindi ibig sabihin na kailangan nila ng pinakabihasang tao na gabayan sila, bagkus ay nakakuha ng malaking damage ang mga players at kinakailangang may Priest para pagalingin sila. Malinaw na ito ang resulta ng beginner village's lesson sa mga dungeons, kung paanong ipinaalam sa kanila ang importansya ng class combinations.

Sa huli, kasama ang Lord Grim ni Ye Xiu na kayang magpagaling at pumatay ng halimaw, walang ano-ano'y tinapos nila ang Skeleton Graveyard. Pagkatapos lumabas, bumaling si Ye Xiu. Si Chen Guo ay nasa beginner area, nakalinya at hindi nakatuon ang pansin sa kaniya, kaya siya'y pumasok ulit.

Sina Seven Fields at ang iba pa'y kabado. Pinipigilan nila si kuyang bihasa. Sa galing ni kuyang bihasa, madali lang siyang makakahanap ng ibang mas magaling pa sa kanila. Kung hindi maganda ang kanilang pagsasagawa, iiwanan ba sila ni kuyang bihasa?

Ang resulta'y sina Seven Fields at ang iba pa'y nagpokus ng 120% dito. Maingat at masinsinan, makikitang gumagaling sila sa pag tugon sa piglang pag labas ng mga kalansay. Tumaas ang bilis ng kanilang pag-clear.

Ang Skeleton Graveyard ay meron pang tatlong nakatagong BOSSes: Skeletong Warrior, Skeleton Mage, and Skeleton King. Pero ang dungeon ay hindi nagbibigay ng hiwatig, kapag may lumabas na nakatagong BOSS, sa kadahilanang ang tatlong nakatagong BOSSes na ito'y pwedeng biglang lumabas sa kadiliman sa kahit na anong oras. At sa panahong yun lang magbibigay ang sistema ng senyales. Kadalasang sa mga party na walang swerte, ang miyembro nila'y maaring napatay na kasabay sa pagdating ng senyales galing sa sistema.

Kasama si Ye Xiu, ang ganoong walang ingat na pagkakamali ay hindi kailanman mangyayari. Pero pagkatapos ma-clear and ikalawang dungeon, hindi parin nagpakita ang nakatagong BOSS.

Dalawang beses na nilang nacheck ang dungeon. Bumaling ulit si Ye Xiu para tingnan ang kalagayan ni Chen Guo. Siya'y nasa kalagitnaan ng kill stealing kasama ang mga iba pa sa labas ng beginner village. Masinsinang tiningnan ni Ye Xiu at nakita ang level ng kaniyang karakter. Itoy' Level 4 na at malapit nang tumama sa Level 5.

Sa harap nila'y biglang gumalaw ang isang nakatabinging lapida. Sina Seven Fields at ang iba pa'y hindi ito napansin at nagpatuloy. Mabilisang sumigaw si Ye Xiu, "Bumalik kayo dito."

Narinig ng tatlo si Ye Xiu at walang ano-anoy, sinunod agad ang kaniyang utos. Organisadong pagbalik, ang anyo ni Lord Grim ay mabilis na dumaan sa harap nila. Pagkatapos nun ay mahinang gumalaw ang lapida, bigla-biglaa'y may lumipad mula sa putik papunta sa apat.

Sumigaw si Ye Xiu, "Ingat." Ang nakahandang sina Seven Fields at ang iba pa'y mabilis na umilag. Kalahati ng kalansay ay umangat mula sa butas kung saan galing ang lumipad na lapida. Noong makita ang buong kalansay. Alam nilang ito ay hindi ordinaryong halimaw. Ang sistema'y seryosong inihayag: You have entered the Skeleton Warrior's place of eternal rest.

"Sawakas nakakita na din tayo." Nagpapasalamat si Ye Xiu.

"Pano natin lalabanan to?" Si Seven Fields at ang iba pa'y mabilis na tinanong.

Ang kalahating nakalantad na Skeleton Warrior ay tumalon mula sa butas gaya ng isang kwites, pinapakita sa lahat ang kaniyang malakas na abilidad sa pagtalon. Sa hangin, maduming putik ay bumuhos mula sa kaniyang katawan papunta sa lupa na para bang ulan. Sa kaniyang kamay, buhat-buhat niya ang isang malaki pero sobrang napinsalang espada, na kasing laki ng tao.

"Sayang." Sabi ni Ye Xiu.

"Anong problema?" Si Seven Field at ang iba pa'y nagtanong.

"Nakalimutan kong tingnan nag patnubay." Sabi ni Ye Xiu.

Ang tatlo'y para bang gustong sumuka ng dugo. Kuyang bihasa, masyado kang mahiwaga!

"Pwede kitang tulungan tumingin." Sigaw ni Sunset Clouds.

"Hindi pwede, pag sinugod ka niya, patay ka." Sabi ni Ye Xiu.

Ang Skeleton Warrior ay nakababa na sa lupa at nagdulot ng pagyanig ng lupa, ang attack range ay sobrang malapad. Si Drifting Water ay sobrang mabagal at hindi nakailag sa tamang oras. Siya'y natamaan ng shock wave at natumba sa lupa.

Ang dalawang mga mata ng Skeleton Warrior ay bumaling sa kanila, animo'y naghahanap ng susugurin.

"Kung ganoon, dapat may isang maging pain. Titingin ako sa patnubay!" Sabi ni Sunset Clouds.

"Hindi na kailangan." Habang sinabi ito ni Ye Xiu, tinanggal niya ang kaniyang headphones at bumaling para sumigaw, "Boss, boss."

"Ano!" Pinipindot ni Chen Guo ang kaniyang keyboard habang sumasagot, pero hindi iniliko ang kaniyang ulo.

"Tulungan mo kong maghanap ng patnubay." Sabi ni Ye Xiu.

"Patnubay? Anong patnubay?" Nabigla si Chen Guo at napatingin sa kaniya.

"Patnubay para sa Skeleton Warrior." Kinokontrol ni Ye Xiu si Lord Grim habang nakaturo sa kaniyang screen.

Muntik na maitumba ulit ng ulo ni Chen Guo ang kaniyang monitor: "Naghanap ka lang ng guide pagkatapos mong masilayan ang boss? Ano bang ginagawa mo hanggang ngayon?"