Desididong tinalikdan ni Ye Xiu ang mga natitirang drops mula sa Spider Emperor kaya tinanggap na lang ito nila Seven Fields at ng iba niya pang mga kasamahan. Maayos naman ang paghahati nila sa mga natitirang drops dahil siguro matagal na silang magkakaibigan. Pwede namang maibenta ang Spider Venom kaya hindi na problema kung sino man ang makakakuha nito. Paghahatian na lang nila ang makukuha pagkatapos maibenta. Ordinaryong Blue Equipment lang ang Chestnut Boots at padalus-dalos na lang silang nagroll para malaman kung kanino mapupunta ito. Sa huli, si Sunset Clouds ang nakakuha nito pagkatapos makaroll ng perpektong 100. Isa riin ang Mahogany Tachi sa mga drops. Ayon sa kanilang planong class, mapupunta ito sinuman kay Sunset Cloud o Sleeping Moon. May nakuha na si Sunset Clouds kanina, ang Chestnut Boots. Kahit na mas mataas ang halaga ng Mahogany Tachi kumpara sa Chestnut Boots, masaya pa rin itong tinalikdan ni Sunset Clouds at ipinasa kay Sleeping Moon. Natutuwa si Sleeping Moon ngunit kakatwa niyang kinuha at hinawakan ang Mahogany Tachi.
Malaki ang nakuha nilang experience rewards dahil sila ang nakakuha ng first clear ng Spider Cave at first kill ng Spider Emperor. Nakaabot na Level 12 si Lord Grim samantalang sigurado na ang pagtaas ng level ng iba pa niyang kasamahan pagkatapos nitong dungeon. Nadalian na lang sila sa pagpatay ng normal na BOSS kaya mabilis nila itong natapos.
Nagdadalawang-isip naman si Sleeping sa kuna no ang gagawin. Ang orihinal niyang plano ay umalis kaagad pagkatapos ng run na ito sa dungeon ngunit sa kanya napunta ang isa sa mga drop. Hindi naman ata tama kung lalayas siya pagkatapos makakuha ng equipment mula sa kanila. Mahogany Tachi pa naman 'yon. Kapag umalis ako, hindi naman tamang gawin 'yon. Pero sinabihan ako kanina ni Seven Fields na umalis. Kapag hindi ako umalis, mapapahiya lang ako.
Buti na lang at mabait na kaibigan si Seven Fields at kusa siyang tinawag nito. Para bang biro lang ang sinabi niya sa loob ng dungeon kanina. Sa wakas, tapos na ang maliit nilang away. Pumasok muli ang grupo nila sa Spider Cave at pinamunuhan ulit ni Lord Grim ang kanilang grupo.
Sa kabilang dako. Katulad ng nararamdaman ni Sleeping Moon kanina, nalumbay at hindi rin alam ni Blue River at ng kanyang mga kasamahan ang gagawin. Hindi sila ang nakakuha ng first clear ng Spider Cave. Maliban doon, may nakafirst kill na sa dalawang hidden BOSS. Ito na ang pang-apat na beses na pumasok sila ng dungeon. Ngunit hanggang sa huli, wala silang naksalubong ni-isa. Pinilit nilang bilisan at ituloy ang pagdungeon. Sa kasamaang palad, may panibagong system message na nagpakita. May nakapatay na sa panghuling hidden BOSS, ang Spider Warrior.
Grupo mula sa isa sa mga three great guilds ang nakakuha ng first kill ng Spider Warrior, ang Herb Garden. Ang naka-first kill naman sa isa pang hidden BOSS ay grupo galing sa Tyrannical Ambition. Mga first kill ng mga hidden BOSS ang dapat nagpapakita ng kapangyarihan at pagkapantay ng three great kills ngunit hindi nila inaasahan ang pagsulpot ni Lord Grim. Siya pa ngayon ang may hawak ng pinakamaraming records para sa first clears at first kills: tatlo. Hindi lang iyon, ang mga kasama niya sa party ang umagaw ng dalawang pwesto sa first clear leaderboards ng Level 10 stage ng laro. Randam ng Blue Brrok Guild ang pagkahiya dahil doon. Masisisi na lang nila ang kanilang swerte. Ngunit naalala nilang sampung segundo lang ang agwat nila mula sa first clear ng Spider Cave. Wala naman silang magagawa kundi masayangan at magsuka ng dugo.
Walang natirang first clear para sa kanila. Tuluyang nawalan na ng pag-asa sila Blue River.
"Saan ba nanggaling 'tong Lord Grim? Sabihan mo yung mga tao sa village na magmasid." Kinakabahang utos ni Blue River.
Samantalang masigla pa ring naglalaro si Ye Xiu na nag-iwan ng masamang impresyon sa kanila. Maraming run na rin ang nagawa niya sa dungeon. Ganito lang ang nangyari sa pagbubukas ng tenth server. Ngunit habang masaya ang iba, may mga ibang taong nag-aalala.
Alas onse na pagkagising ni Chen Guo. Karaniwan ay disiplinado siya sa pagtulog at napakabihirang magising ng ganito kaantala. Kahapon lamang niya pinagbigyan ang sarili dahil sa pagbubukas ng tenth server. Si Ye Xiu rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng maaga. Ang saya kasing panoorin ang screen ni Ye Xiu. Binilang ni Chen Guo kung gaano kahaba ang kanyang tulog at nalamang walong oras ang haba nito. Nag-unat muna siya bago bumaba mula sa kanyang higaan.
Nakatira si Chen Guo sa Internet Café. Natutulog siya sa pangalawang palapag, parehong palapag kung nasaan ang binigay niyang kwarto kay Ye Xiu.
Kumpara kay Ye Xiu na bagong dating, pamilyar na pamilyar kay Chen Guo ang paligid. Sa Happy Internet Café siya lumaki, dito siya kumakain, natutulog, at nagtratrabaho. Noong panahong estudyante pa lang siya, sa halip na bumalik sa kanyang bahay tulad ng iba, sumisiksik siya sa Internet Café. May mga iba pa ngang namamali ng akala dahil dito.
Ang kaniyang tirahan ay ang Happy Internet Café. May malalim itong impresyon kay Chen Guo simula noong maliit pa lang siya. Katulad ng kanyang magulang noon, maingat niyang inalagaan ang Internet Café na para bang parte ito ng kanyang pamilya. Noong maliit pa lamang si Chen Guo, sobrang liit din ng Internet Café. Ngayon, ang kanyang tirahan ay malaki na, ngunit sa kanyang pamilya, siya na lang ang nag-iisang natira.
Noong taon na iyon, sa oras ng kanyang college entrance exam, namatay ang tatay ni Chen Guo dahil sa sakit sa puso.
Walang nanay si Chen Guo o para mas klaro, hindi niya kilala ang nanay niya at wala siyang impresyon dito. Hindi niya rin alam kung buhay ba siya o patay. Pagkatapos niyang mag-ayos para sa burol ng tatay niya, ping-usapan ng kanyang mga kamag-anak kung ano ang gagawin nila sa Internet Café. Nang pinag-usapan nila kung ano ang gagawin kay Chen Guo, walang pag-aalinlangan niyang tinapon ang kanyang college admission notice at nagboluntaryong pamahalaan ang Internet Café. Lahat ng kaibigan at kamag-anak niya ay naagulat sa kanya. Magkatulad talaga sila ng kanyang ama at tinuloy ang pamamahala sa Internet Café.
Sa isang iglap, siyam na taon na ang lumipas.
Kaya na sanang bumili ni Chen Guo ng sarili niyang bahay ngayon, ngunit ni minsan ay hindi niya naisip iyon. Sapat na sa kanya ang pagtira sa Internet Café. Sa lugar na ito, parang randam niya ang pakiramdam ng may pamilya. Kahit nag-iisa lang siya, hindi siya nalulungkot.
"Ang ganda ng panahon ngayon!" Si Chen Guo ay nasa tabi ng bintana habang nakatingin siya sa labas. Mukhang mas maliwanag ang sikat ng araw ngayon.
"Dapat mababad din si Tatay dito!" Biro ni Chen Guo. Nilagay niya ang larawan nilang mag-ama sa pasamano…
Pagkatapos niyang magpalit ng damit at maghugas ng mukha, massaya siyang umalis mula sa sala. Nakita niyang bukas ang pinto ng dating bodega, sinilip niya ang loob nito ngunit hindi niya nakita si Ye Xiu.
"Saan siya pumunta?" Tanong ni Chen Guo.
Binuksan niya ang pinto at agad na pumasok sa Internet Café. Punong-puno pa rin ang Internet Café dahil sa pagbubukas ng tenth server ng Glory. Pagkatapos umalis ng grupo ng magdamagang manlalaro, pinalitan sila kaagad ng grupo ng mga maagang ibon. Lahat ng makikita mo sa mga monitor ay Glory. Bawat isa ay may ssuot na headphones at tumatawa o sumisigaw sa kanilang mikropono depende sa kanilang sitwasyon.
Bumaba si Chen Guo ng hagdan at pumunta sa kahero sa harapan. Tinanong niya ang resepsiyonista kung saan pumunta si Ye Xiu.
Tinuro niya ang direksiyon ng Smoking Area.
"Naglalaro pa rin siya?" Gulat na tanong ni Chen Guo. Mabilis siyang dumiretso sa itinurong direksyon..
Ang Smoking Area ay punong-puno ng mabahong itim na usok. Nakaupo si Ye Xiu sa gitnang parteng may pinakamaraming konsentrasyon nito. Napakunot ng noo si Chen Guo at sinubukang paypayan ang usok gamit ang kamay. Tumakbo siya papunta kay Ye Xiu at tinanggal ang kanyang headphones. "Naaglalaro ka pa rin! Baliw ka ba?"
Mabilis na lumingon si Ye Xiu kay Chen Guo at tumango sa kanya nangangahulugang "Magandang umaga." Binalik niya agad ang tingin sa monitor at tinuloy ang paggawa ng "pa pa" na tunog sa kanyang keyboard.
Napadpad ang tingin ni Chen Guo sa monitor ni Ye Xiu: "Spider Cave!"
"Yup."
"Anong level?"
"17."
Nabigla si Chen Guo. Mabuti niyang tinignan ang screen ni Ye Xiu at nakita ang experience bar ni Lord Grim. Halos puno na ang experience bar nito. Pagkatapos nitong dungeon ay level 18 na siya.
Sa sandaling ito, 20 minuto na lang bago ang alas dose. Bagong record na kapag nakaabot siya ng level 18 sa loob ng 12 oras. Kahit na walang statistics ang system announcement na ganito, maraming manlalaro ang guumagamit nito sa forum para mapatunayan kung gaano kagaling ang bilis nila sa leveling.
Tumingin ulit si Chen Guo at klarong nakita ang team mate ni Chen Guo.
Sleeping Moon? Parang nakita na ni Chen Guo ang pangalan na ito noon. Inisip niyang malalim at agad na naalala.
"'Di ba siya yung naninira sa'yo kagabi?" Tinuro ni Chen Guo ang pangalan ni Sleeping Moon sa party list.
"Yup!"
"Bakit mo siya kasama sa party?" Hindi ito maintindihan ni Chen Guo.
"Kumalat paninira niya kaya wala akong masalihang party." Sabi ni Ye Xiu.
"Anong klase 'tong rason mo?" Nagalit si Chen Guo.
"Ang tanda-tanda ko na, papatulan ko pa ba siya?" Napatawa na lang si Ye Xiu.