"Ang galing, pero Level 27 lang siya. Hindi na natin kailangang magaksaya ng oras sa kanya." Sabi ng isa.
Totoo naman ito. Ang rason kung bakit nila tinutugis ang Team ni Lord Grim ay para pilitin silang magaksaya ng oras para maibalik ang kanilang nawalang experience at ilagay sila sa red letter state. Sa Glory, nangangahuligan ang red-letter equipment na malapit ng mag-zero ang durability at kailangan ng ayusin. Ang pagiging red-letter state ay parehas lang dito. Matapos bumagsak ng experience ng player sa isang level, kailangan niya ulit makuha ang experience para maibalik ang kanyang stats.
Kahit na hindi bababa ang red-lettered characters ng level, hindi na sila magkakaroon ng parehas na stats katulad ng dati. Ang bilang ng stats na nawala ay nakadepende sa kung gaano karamu ang experience na kailangan i-recover. S Kasabay na kailangan din nila ng experience para maibalik ang kanilang skill levels.