"Nagmamadali ako, dalian niyo!" Ibinaling ni Ye Xiu ang kaniyang ulo sa mikropono at napasigaw.
Ang lahat ay nabigla, kahit na si Su Mucheng ay hindi naintindihan kung ano ang ibig sabihin niya sa, "Saglit lang.", at ang "Nagmamadali ako".
Ang maingat na si Qiao Yifan ay hindi nangahas na magtanong at tahimik na inisip kung anong klase ng stratehiya ang "Saglit lang." at "nagmamadali ako." na sinasabi ni Ye Xiu.
Gayunpaman, mabilis na naintindihan ni Tang Rou ang mga nangyayari. Pero si Steamed Bun Invasion sa kabilang dulo ay malinaw na walang naintindihan. Pero sa dahil kadalasan niyang tinatanong ang mga bagay-bagay na wala siyang alam, kaagad niyang binuksan ang kaniyang bibig at nagtanong: "Kuya, anong ibig sabihin mo?"