Kapag mayroong ibang pagpipilian pa ay palagiang pinipili ni Wu Qi ang isa sa ibang mga pagpipilian niya na mas mahirap kaysa sa isang pagpipilian na madali lang sanang isagawa.
Tumalon si Wu Qi!
Hindi sapat ang oras niya para mag-isip pa, at dahil diyan ay kaagad siyang nakapagpasiya. Kahit na ang ikutan ang kaniyang kalaban papunta sa likuran ang pinakamainam na desisyon para tambangan ang isang kalaban ay masyadong matatagalan siya para matambangan ang kalaban.
Sa mga panahong umiikot pa siya ay maaaring maisagawa na ng kaniyang kalaban ang plano niya, at dahil diyan ay madedehado siya. Ngayong tumalon siya sa hangin, at sumusugod mula sa harapan. Ang kaniyang kalaban ay hindi magkakaroon ng sapat na oras para mag-isip tungkol sa kaniyang hakbang.
Air Jump!
Ang Air Jump ay isang skill na tanging ang mga Assassin lamang ang nakakagamit. Sa tulong ng skill na ito ay nakakatalon ang isang Assassin habang siya ay nasa hangin.