Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1651 - Mahirap na Desisyon ng mga Manlalaro

Chapter 1651 - Mahirap na Desisyon ng mga Manlalaro

Sampung segundo.

Sampung segundo lamang ang itinagal ng labanan. Natapos na ang laban sa loob ng sampung segundo na iyon.

Naging masyadong mabilis ang takbo ng labanan. Kasalukuyang inihahanda pa ng karamihan sa mga manlalaro ang kanilang sarili para sa isang kapana-panabik na labanan noong nagtagpo ang landas ng dalawang manlalaro.

Pero bago pa man nila maayos ang kanilang pagkakaupo sa kanilang mga upuan ay natapos na ang lahat.

Papanuorin ang isang kapana-panabik na labanan?

Anong papanuorin?! Ni hindi nga nila nakita ng maayos kung ano ang mga nangyari. Ano ang papanuorin nila ngayong tapos na ang laban?

Natulala ang lahat sa kanilang pagkakaupo. Kahit na ang mga tagahanga ng Samsara ay nakalimutang magsigawan para ibigay ang kanilang suporta. Kahit na ang mga malalaking screen sa loob ng istadyum ay natigilan at walang naipakitang mga replay ng naganap na labanan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS