Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1650 - Sampung Segundo Para Matapos ang Labanan

Chapter 1650 - Sampung Segundo Para Matapos ang Labanan

Lord Grim, Cloud Piercer.

Mabilis ang paggalaw nilang dalawa. Walang pagdadalawang-isip, walang pakikipag-usap. Sa totoo lang ay parang hindi na nga nag-iisip silang dalawa sa galaw na kanilang gagawin dahil sa nakatuon ang lahat ng kanilang atensyon sa pagpapagalaw sa kanilang karakter.

Sa tulong nito ay narating nila ang rurok ng kanilang bilis. Matapos lamang ng 16 na segundo ay nakita na ng dalawa ang isa't-isa.

Boom! Boom! Boom!

Umulan ng mga bala.

Ito ang rurok ng Attack Range ni Lord Grim gamit ang Gun Form ng kaniyang Myriad Manifestations Umbrella. Kapag nasa pinakadulo ka ng iyong Attack Range, di-hamak na mas mahina ang iyong mga pangmalayuang atake.

Dahil diyan, hinihintay munang makalapit ng karamihan sa mga manlalarong may pangmalayuang karakter sa kanilang kalaban bago sila umaatake.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS