Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1642 - Nandito na ang Bagyo

Chapter 1642 - Nandito na ang Bagyo

Kagaya sa sinasabi ng kasabihan, nagbibigay ng babala ang mga bugso ng hangin ukol sa isang paparating na bagyo. Pero ngayon, hindi na nagkaroon ng sapat na oras para magbabala ang hangin sa kanilang dalawa. Iyan ay dahil sa nandirito na mismo ang bagyo.

Mula sa dalawang magkabilaang dulo ng lambak, sa loob ng lugar na hindi maaaring pasukin ng mga manlalaro ay biglang lumabas ang hukbo ng mga sundalong dumeretso papunta sa loob ng kanyon.

At ang mga nakatagong sundalo naman na handang tambangan ang mga kalaban na nasa ilalim ay lumitaw na ngayon, at minamanmanan na nag paligid. Tahimik, at maingat silang gumalaw. Papunta rin sa sentro ng lambak.

Kitang-kita ng mga manonood ang lahat ng ito. Pero hindi alam nina Ye Xiu, at Sun Xiang kung ano na nga ba ang mga nangyayari.

Dahan-dahang nilalapitan na ng dalawa ang isa't-isa. Hindi nagtagal ay dahan-dahang namamalayan na rin nila ang kaguluhang nagaganap sa kanilang paligid.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS