Culture Square, sa isa sa mga sikat na pamilihan sa City S. Ang higanteng open-air screen na nakasabit sa may hilagang-bahagi ng gusali ay mas kahanga-hanga kaysa sa mga malalaking screen na nasa loob ng mga istadyum ng Glory.
Pero sa araw na ito, ang screen na ito na simbolo ng siyudad ay kasalukuyang pinapalabas ang mga pambihirang naganap sa labanang naganap kahapon sa pagitan ng Happy at Samsara.
Hindi mo makikita ang ganitong klase ng eksena, sampung taon ang nakalilipas. Sa mga panahong iyon ay maunlad na ang eSports sa buong bansa. Pero hindi pa ito nakakaani ng atensyon sa marami.
Pero sa araw na ito ay makikita mo sa Culture Square mismo ng siyudad ang mga eksena sa labanang naganap sa pagitan ng Happy, at Samsara. Malinaw na parang simbolo yata ng siyudad ang Samsara.