"Okay lang? Talaga?" Seryosong sabi ni Su Mucheng. Naglakad siya hanggang sa makita na niya ang hitsura ni Ye Xiu.
"Hindi iyan ang importante." Iniliko naman ni Ye Xiu ang kaniyang ulo. Hindi para itago ang kaniyang mukha, kundi ang harapin si Su Mucheng kasama ang isang ngiti.
Maraming taon na rin silang nagsasama, at marahil ay mas malalim ang naiintindihan nila sa isa't-isa kaysa sa kanilang inaasahan. Kadalasang sapat na ang isang tingin para malaman nila ang intensyon ng bawat isa.
Alam ni Ye Xiu kung ano ang inaalala ni Su Mucheng, at dahil diyan ay hindi na niya sinubukang itago it, pero hindi rin siya nagpaliwanag. Kung si Chen Guo ang sinabihan niya ng mga salaysay na ito ay malamang na sisigaw sa galit si Chen Guo at sasabihin kung ano ba ang importanteng sinasabi niya.
Hindi iyan ang importante.
Ngayong nandirito na sila, ang importante ay iisa lamang. Iyon ay ang makuha ang tagumpay, at masungkit ang Kampeonato!