Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1632 - Hindi Nababasag na Pader

Chapter 1632 - Hindi Nababasag na Pader

Dalawang minuto, at 45 na sgundo. Iyan ang cooldown ng Angel's Might. Halos tatlong minutong sinusupil na ni Fang Rui sina Fang Minghua, at Lu Boyuan. Pero nagtagal lamang ang kaniyang panunupil hanggang sa muling paglitaw ng skill na ito sa labanan.

Kaagad na pinagamit ni Fang Minghua ng Angel's Might ang kaniyang Laughing Song. Lahat ng maaari niyang magamit para makatakas sa labanang ito ay kaniya nang ginamit sa mga sandaling ito.

Bumulusok ang banal na liwanag!

Hindi magawang umilag, o magpumiglas kaharap ng banal na liwanag na iyon ang Boundless Sea ni Fang Rui. Napaatras siya, at ngayon. Hindi na gagana pa ang nakaraan niyang paggamit ng Cloud Pushing Palm.

Pero hindi naman sa hindi niya kayang gamitin ang pamamaraang iyon. Masyadong malayo lang talaga siya sa kaniyang kalaban. Kapag ginamit niya ang Cloud Pushing Palm ay malamang na itutulak lang niya palayo ang kaniyang kalaban.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS