Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1621 - Mamamatay Ka Ba Kapag Hinayaan Mo Akong Magpasikat Dito Saglit?

Chapter 1621 - Mamamatay Ka Ba Kapag Hinayaan Mo Akong Magpasikat Dito Saglit?

"Sa labanang ito... Sa labanang ito na nasa kamay ng Samsara ang kalamangang pumili ng mapa ay parang..." Naging masyadong maingat si Pan Lin sa kaniyang pananalita, pero sa huli ay hindi niya magawang mahanap ang mga katagang kaniyang gagamitin sa pananalita.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga niya kailangang magpaliwanag. Parehas naman sa nararamdaman niya ang nararamdaman ng karamihan sa mga manonood.

Ang labanang ito ay nagaganap sa sariling istadyum ng Samsara. Ang Samsara rin ang pumili sa mapa na ito, at dahil diyan ay sila dapat ang nananamantala sa mapa. Dapat ay ang mga katangian ng mapa na ito ang kanilang pinakamalakas na armas.

Pero ano ang naging resulta? Ang nakita ng lahat ay si Ye Xiu na sinasamantala ang mga basurang nasa loob ng bodega para supilin ang tatlong manlalaro ng Samsara. Sa kabilang dulo naman ay aatakihin at papalibutan sana ng dalawang manlalaro ng Samsara si Fang Rui.

Pero sa isang iglap lang ay nabaliktad ang lahat.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS