Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1606 - Hindi Mo Dapat Sinubukang Maging Madaya Sa Harapan Ko

Chapter 1606 - Hindi Mo Dapat Sinubukang Maging Madaya Sa Harapan Ko

Ang layo niya!

Hindi mapigilang kabahan ng mga manonood. Hindi masyadong magkadikit-dikit ang mga stalagmite na nasa loob ng kweba. Hindi pa sapat ang isang pagtalon lamang para maabot mo ang ibang stalagmite mula sa isang stalagmite.

Pinili ni Du Ming ang isang magkalapit na stalagmite, pero parang malayo-layo pa rin naman siya mula sa susunod na stalagmite, dahil diyan ay aabot kaya siya?

Bumabagsak na ngayon sa hangin si Moon-Luring Frost, at parang hindi naman yata siya aabot. Sa mga sandaling ito ay kinakabahan na ang mga tagahanga ng Samsara. Matapos nito'y bigla nilang nakitang humakbang si Moon-Luring Frost sa hangin, ang kaniyang paa'y dumapo sa stalagmite.

Matapos nito'y itinulak niya ang kaniyang sarili pataas, at dahil diyan ay nagawa na niyang paakyatin ang buo niyang katawan sa itaas ng stalagmite.

Palakpakan!

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS