Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1602 - Isang Karapat-dapat na Tagumpay

Chapter 1602 - Isang Karapat-dapat na Tagumpay

Nagsimula na namang umulan ang mga bala.

Bago pa man makaikot si Su Mucheng sa parte ng stalagmite na pinagtataguan ni Lu Boyuan ay sinimulan na niyang gamitin ang kaniyang mga ordinaryong atake para tamaan si Chaotic Cloudy Mountain na nasa likuran ng stalagmite.

Isang Electronic Eye na naman ang pinakawalan niya para mas makita niya ng malawak ang paligid.

Hakbang-hakbang, dahan-dahan, pero sigurado. Ganito ang naging paglalaro ni Su Mucheng. Hindi na naging masyadong malakas, at mahigpit ang kaniyang mga atake. Hindi na importante pa kung mahina ang pinsala ng mga ordinaryo niyang atake.

Ang importante ay nakakapaglapat siya ng pinsala, iyan naman talaga ang mahalaga.

Talaga nga namang kinakabahan na ngayon si Lu Boyuan. Naisip niya ang posibilidad na baka habulin siya ni Su Mucheng papunta dito. Pero hindi niya inaasahan na magiging ganito ka-ingat si Su Mucheng sa labanan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS