Hindi mamamalayan ng isang ordinaryong manonood lamang ang mga detalyeng nasa likod ng mga nangyari. Ang tanging nakita lamang nila ay nagtagpo na rin sa wakas ang landas ng dalawa. Si Ye Xiu ang naunang umatake, pero naging mabilis ang pag-ilag ni Zhou Zekai.
Sa kabilang dulo naman ay nalaman ng mga propesyonal na manlalaro na sinubukang kunin ni Ye Xiu ang inisyatiba sa labanan sa tulong ng maingat niyang mga plano. Gayunpaman, ang tanging nakakaintindi lang sa lalim ng lahat ng ito ay iyong mga taong naglalaro mismo sa entablado.
Dalawang putok ng baril!
Sa mga panahong nagkita ang dalawa ay kaagad na nagpaputok ng dalawang beses si Ye Xiu.
Hindi lamang sa masyadong magaling si Zhou Zekai sa larong ito. Hindi rin siya isang mayabang na tao. Pero hindi ibig sabihin na hindi siya magyayabang sa kaniyang galing. Malaki pa rin naman ang tiwala ni Zhou Zekai sa sarili niyang lakas.