Ang simpleng pagdiriwang na inihanda ng Tyranny para ipagdiwang ang kanilang pag-akyat sa finals ay hindi nila magagamit sa huli. Sa display screen na nasa istadyum, tanging isang salaysay ng pagbabati na lamang ang nakalagay para sa nanalong koponan.
Ang dalawang Team ay nakahilera na sa sentro ng mapa.
Ye Xiu, Han Wenqing, Lin Jingyan, at Zhang Jiale...
Sa entabladong ito na nabuo dahil sa determinasyon at pagsisikap ng lahat ay dito nakilala ng mga matatandang heneral na ito ang isa't-isa. Dito rin sila naglaban, dito rin sila nagpatayan. Ang ilan sa kanila'y nakaramdam ng tuwa, ang ila'y nakaramdam ng kalungkutan, at ang ilan naman ay hinagpis.
Malamang ay hindi mo masasabi na magkaibigan sila, pero ang pagkakaintindihan nila sa isa't-isa ay malamang na nakakalamang pa kaysa sa pagkakaintindihan ng mga matatalik na kaibigan. Sila'y may pare-parehong pangarap, at pare-parehong hangarin.