Sino ang ipapadala namin para manmanan ang paligid?
Iyan ang naisip ni Zhang Xinjie. Pero kaagad niyang tinanggal ang ideya na ito sa kaniyang isipan. Ito ay dahil sa kahit na mas malakas ang Tyranny kaysa sa Happy sa labanang ito ngayon. Kapag pinaalis niya ang isa sa kanila para magmanman. Magiging dehado sila sa dami ng kanilang kalaban.
Kasalukuyang nagtatatag ng depensa ang Happy sa mga sandaling ito at dahil diyan ay hindi mahirap para sa kanila ang makipaglaban ng 5 laban sa 4. Kapag nangyari 'yun ay paniguradong babaliktarin ng Happy ang takbo ng labanan, at kakagatin nila sila.
Iyan ay dahil sa hindi naman kasi tatayo lang at manonood si Ye Xiu sa harap ng ganiyang klase ng pagkakataon.
Hindi maaaring magpadala kami ng tao para magmanman. Kinakailangang umaksyon na lamang kami batay sa kung ano ang takbo ng labanan.
Talaga bang may ganiyang talento si Luo Ji?