Bang! Bang! Bang!
Sa wakas nabasag na rin ang katahimikang namamalagi sa labanan.
Sinamantala ng Dazzling Hundred Blossoms ni Zhang Jiale ang mahaba niyang range para pasimulan ang mga atake.
Pero hindi man lang lumingon si Soft Mist. Nagpagewang-gewang sa kanan, at kaliwa ang kaniyang katawan at inilagan niya ang mga balang pinapakawalan ni Dazzling Hundred Blossoms.
Nagkagulo ang mga manonood.
Iyan ay parang may mga mata na rin pala ssiya sa likuran ng kaniyang ulo! Parang sumusobra naman yata 'yan, hindi ba?
Tama, parang sumusobra na rin yata ito. Kahit nga sa hanay ng mga propesyonal na manlalaro ay ilan lang sa kanila ang nakakagawa ng ganito. Pero ibahin mo si Tang Rou.
Nahubog na ang kaniyang pandinig sa punto na nagagawa niyang hulaan ang direksyon ng mga atake ng isang kalaban batay lamang sa kung saan niya ito unang narinig. Noong una ay hindi masyadong pinagtuonan ng pansin ni Tang Rou ang abilidad niyang ito.