"Heto, Lima!" Sabi ni Tang Rou sa team chat ng Happy. Ibinigay rin niya sa kaniyang mga kasamahan ang coordinates ng kaniyang Soft Mist.
Nabigla ang mga manonood. Hindi pa nga lumilitaw sa mga mata niya ang Team Tyranny. Pero sa mga yapak ng paa na ito lang ay nagawa niyang mahulaan na lima silang lahat! Malamang ay malaki ang tiwala niya sa abilidad niyang makiramdam, at makinig!
May ilang mga propesyonal na manlalarong isinara ang kanilang mga mata't sinubukang hulaan ang dami ng mga manlalaro gamit ang mga yapak ng paa lamang. Pero talagang hindi nila malaman ang dami ng mga manlalaro gamit lamang ang mga yapak ng paa.
Ang tanging nahinuha lamang nila ay ang katotohanan na mas marami sa iisang manlalaro ang dami ng mga yapak ng paa.
"Nasaan sila?" Nabigla si Ye Xiu.
"Mula sa silangan."
"Teka lang, hindi dapat sila nandiyan."