Patuloy na umihip ang hangin at napuno ang langit ng buhangin.
Talagang hindi lang sa katapangan ang 1v3 ni Han Wenqing. Pinili ng Tyranny ang laban na ito dahil may lamang siya dito. Walang kahirap hirap at mabilis na gumalaw si Desert Dust at kinumpara ang tatlo niyang kalaban. Paminsan, ang atake niya ay tatama sa buhangin, gagawa ng pagbabago sa daloy ng buhangin. Para sa Happy, malaking hadlang ito.
Makakaasa sila Fang Rui at Su Mucheng sa karanasan nila na makasunod sa daloy ng buhangin. Pero sa patuloy na pagbabago ni Han Wenqig sa buhangin, kailangan nilang ipokus ang kanilang sigla sa pagsasaay sa buhangin sa paanan nila. Para naman kay Tang Rou, mas mahirap ang sitwasyon niya. Kulang ang karanasan niya sa Glory at umasa sa kanyang reaksyon at bilis ng kamay. Nakakatakot ang binibigay niyang lakas para lang makagalaw.
Kaya naman napigilan sila ni Han Wenqing kahit na 1v3.