Sa gitna ng pagsuntok si Dsert Dust noong nakatakas ang Boundless Sea ni Fang Rui.
Binalik ni Desert Dust ang kamao niya at umikot. Walang kinalaman ang hindi pagbabago ng ekspresyon niya sa kalagayan ni Han Wenqing. Kahit na sa sandaling iyon, mabigat ang ekspresyon ni Han Wenqing kagaya ng character niya.
Madami ang hindi nakahanap ng problemsa sa mga suntok niya pero mas alam ni Han Wenqing na masyadong mabagal ang suntok niya.
Hindi ito pagkakamali. Alam ni han Wenqing na kailangan ng suntok niya na sunod sunod na mabilis pero wala siyang magawa. Maaring kung lima o sampung taon ang nakakalipas, hindi maiiwasan ang suntok na iyon at talagang tatama ito sa kalaban niya. Pero ngayon…
May mga bagay na hindi masusulusyonan ng pagsisikap lang. Para sa kasalukuyang siya, talagang mahirap para sa kanya na panatilihin ang bilis na iyon. Noong bumagal siya ng kaunti lang, isang butas ang lumitaw at agad na kinuha ito ni Fang Rui.