Hindi naman mabait ang mga taga-hanga ng Tyranny sa Happy at partikular kay Ye Xiu. Wala namang pake si Ye Xiu. Matapos makipagkamayan sa mga manlalaro ng Tyranny, kumaway siya sa mga manonood, na nagpabaha ng boo. Ilang mga basta bastang taga-hanga naisip ang kanilang talo noong nakaraang round at agad na nagtapon ng ilang bagay sa kanya. Agad na pinatigil sila ng mga security guard at dinala sila palabas.
"Hahaha." Tumawa naman si Ye Xiu. Wala man lang pake. Matapos magbatian, pumunta na ang dalawang team sa kani kanilang upuan. Pero noong tignan nila ulit, nakita nila na hindi pa bumababa si Ye Xiu. Nakatayo pa rin siya sa entablado!
Anong ibigsabihin nito?
Siya ang unang manlalaro ng Happy sa group arena!
Pero ang problema at hindi ito Home Game ng Happy, sa Tyranny pero nakatayo siya doon ng malabayani. Nasiyahan naman ang mga taga-hanga ng Happy dito. Pero madaling nilunod sila ng mga boo ng taga-hanga ng Tyranny.