Gustong pakiramdaman ni Ye Xiu ang bagong Tyranny?
Matapos makipagusap kay Yu Wenzhou, nagsimulang magobserba ni Huang Shaotian kay Lord Grim ng mas malapitan.
Hindi nag reak ang Tyranny sa kanyang paghahamon, sobrang pasensya ng paglalaro nila. Bilang resulta, bumagal rin si Ye Xiu.
Atras. Umatras si Lord Grim. Nangyari na parehas ng bilis ng pagatras niya sa bilis ng pagabante ng Tyranny. Hindi lahat nakikita ang punto na ito noong pinagusapan ito nila Pan Lin at Li Yibo, sinabi lang nila na nagsisimula ng magingat si Ye xiu.
Tama, nagiging maingat siya pero sa anong rason?
Para patuloy na pakiramdaman ang Tyranny.
Pinapakiramdaman nila ang kanilang opensa. Ngayon nararadaman niya na ang kanilang depensa.
"Pinapakiramdaman niya ang Tempo Switch ng Tyranny." Ngayon minensahe ni Yu Wenzhou si Huang Shaotian.
Tempo switch.