Mapa ng Team Competition: Full Moon Forest.
Noong lumitaw ang pangalan na ito sa mapa, agad na nagsimula sina Pan Lin at Li Yibo na ipakilala ang mga katangian ng mapa.
May 'gubat' sa pangalan ng Full Moon Forest pero sa totoo lang ang gubat ang nagmimistulang hangganan para sa mapa na ito. Ang lugar ay isang maliit na baryo sa loob ng kagubatan. Madaming laman ang baryo pero simple lang ang disenyo ng mapa at wala gaanong komplikadong pasikot sikot na iskinita katulad ng malalaking mapa. May apat lang na gusali ang buong baryo.
Sa timog kanluran na sulok ay may tindahan ng panday. Sa sulok naman sa hilagang silangan ay may pamilihan. Sa timog silangan may imbakan at bantayan. Sa hilagang kanluran ay mga kabahayan. Nakatayo ang mga bahay sa tuktok ng puno na may mga tulay na nagkokonekta sa mga puno.