Hindi pinigilan nina Pan Lin, at Li Yibo ang mga pagpupuri nila sa mga sandaling nakita nila ang opensiba ng Blue Rain. Naging walang-kwenta ang pakikipagtulungan ng Happy dahil sa alon ng mga Chaotic Grenade.
Pero ang pagpapalibot ng dalawang Blade Master na sumunod ang naging dahilan kung bakit nahirapang makisabay ng Team Happy sa pinapakawalang opensiba ng Team Blue Rain.
Nagkamali sila!
Iyong mga manonood na mayroong mga utak ay namalayan na bahagyang nagkagulo ang pagkakahanay ng Team Happy, Kung sina Huang Shaotian, at Lu Hanwen lang ang kalaban ng Team Happy ay kahit na gaano pa man kagaling ang dalawang ito.
Imposibleng manalo ang dalawa kaharap ang lima. Gayunpaman, hindi lang silang dalawa ang nasa kampo ng Team Blue Rain. Si Swoksaar na mayroong malalakas na abilidad sa crowd control ay nagpapakawala na nang mga atake habang siya ay nasa loob ng rehiyon na may malalakas na hangin.