Sa entablado, nakahilera na ang mga manlalarong maglalaro para sa Team Competition, at kinamayan na nila ang isa't-isa.
"Natatakot ka na ba?" Tinanong ni Ye Xiu si Yu Wenzhou habang kinakamayan nila ang isa't-isa.
"Bakit naman kami matatakot?" Sumabat sa usapan si Huang Shaotian. Parang ganadong-ganado yata siya na maglaro, sa punto na parang hindi naman yata siya naapektuhan sa pagkatalong tinamo niya kanina.
"Bakit ba sumasabat ka sa usapan naming dalawa!" Walang magawa si Ye Xiu kundi ang titigan na lamang si Huang Shaotian na nasa harapan na ngayon para makipagkamay sa kanila.
"Mamaya-maya ay mararanasan niyo na ang tunay naming lakas." Sabi ni Huang Shaotian.
"Bakit kani-kanina lang ay hindi ko na kita ang mga iyan, aber?" Sumabat sa usapan si Su Mucheng kasabay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Naging mabigat ang mga salitang binitawan niya dahil sa kani-kanina lang ay tinalo niya si Huang Shaotian.