Isang pagkakataon!
Kahit na ang pagkakataon na ito ay hindi para sa kaniya, hindi pa rin mapigilang manabik ni Huang Shaotian dahil sa pagkakataon na kaniyang nakita.
Masasamantala kaya ni Su Mucheng ang ganitong klase ng pagkakataon?
Habang hindi pa namamalayan nang lahat ang mga nangyayari ay nag-aalala na si Huang Shaotian na baka makaligtaan ni Su Mucheng ang pagkakataon na ito. Kahit na ano pa man ang mangyari, kahit na siya ang mapipinsala.
Gustong-gusto pa rin makakita ni Huang Shaotian nang mga pagkakataon na sinasamantala na.
Hindi nga niya nakaligtaan ang pagkakataong iyon!
Biglang naging matatag ang kanyon na nasa mga kamay ni Dancing Rain, at kasabay nito'y nagbuga ng apoy ang bunganga ng kanyon.
"Ah!"