"Frozen? Papaano? Teka lang, Falling Ice ba?" Napasigaw sa gulat si Pan Lin. Ang Falling Ice ay isang skill na ginagamit ng mga Big Ice Spirit para umatake. Kasalukuyang nasa Deception na naunang makatakas ang mga mata ng kamera.
Kitang-kita nila na nababalutan ng yelo ang buong katawan ng Deception na ito, at malabo na rin ang paningin ng mga mata ng Deception na ito. Falling Ice? Wala namang nakitang senyales ang mga manonod na may ginamit na Falling Ice ang isa sa mga halimaw.
Idagdag pa na hindi rin paniguradong gagana ang Frozen debuff ng Falling Ice. Gaano kalaking swerte ang kinakailangan mo para mapatigas mo ang iyong kalaban sa ganitong klase ng sitwasyon?
Ano kaya ang nangyayari? Sa mga panahong nag-iisip pa ang lahat ay naging isang bloke ng yelo na rin ang ikalawang Deception na nakaalis kanina!