Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1426 - Namigay ng Kendi

Chapter 1426 - Namigay ng Kendi

Hindi kinaligtaan ni Yu Wenzhou ang pagkatalong tinamo nila sa Group Arena. Pero sa pagsisimula kasi ng labanan ay walang ginawang hakbang ang Happy para samantalahin ang kalamangan na ito.

Sa ngayon nga ay hindi pa rin sigurado si Yu Wenzhou kung ito nga ba ang mga plano ng Happy noong una, o baka naman ay isang pagbabago lang ito sa kanilang mga plano dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang Team sa Team Competition na ito.

Sa pagsisimula pa lang ng Team Competition ay ginagawa na ni Yu Wenzhou ang lahat ng makakaya niya para mahulaan ang intensyon ng Happy. Pero ngayong namalayan na nila ang kanilang mga hangarin ay naging mas mabagal pa rin siya.

Ang pagiging mas mabagal niya ay masyadong delikado para sa kaniya, at sa Blue Rain.

Ito ay dahil sa ang istilo ng Blue Rain sa paglalaro ay nakadepende naman kasi sa istilong ginagamit ng kanilang mga kalaban. Sa tulong ng istilo na ito ay naging isang Master Tactician si Yu Wenzhou.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS