Hindi alam ni Huang Shaotian kung matatawa ba siya o maiiyak matapos niyang nalaman ang totoo.
Hindi pala kasing-kumplikado, kagaya sa kaniyang iniisip ang sitwasyong ito. Sinubukan niyang pigilan ang Happy, pero malinaw na hindi siya hahayaan ng Happy na gawin iyon. Sa huli, ang naging kinalabasan sa ginagawa niya ay siya ang napigilan ng Happy imbis na siya ang pumigil sa Happy.
Tama lang naman ang naging reaksyon ng Happy tungkol dito. Maaaring may pagpapalibot kanina, pero ngayon ay wala na. Paniguradong may sarili nilang stratehiya ang Happy. Pero hindi lamang para kay Huang Shaotian ang stratehiya na iyon.
Sa totoo lang ay hindi pa nga nila kailangang itago ang stratehiyang iyon kay Huang Shaotian. Ngayon na nagtagumpay na ang mga plano ng Happy, habang si Huang Shaotian ay wala pang nahihinuhang impormasyong tungkol sa Happy. Malinaw na palpak ang ginawa niyang pagmamanman sa Happy.