Kakadaan pa lang ng Blue Rain sa lugar na ito, at dahil diyan ay may naiintindihan tungkol dito si Haung Shaotian. Iyan ang dahilan kung bakit sinadya niyang magtago rito para tambangan ang mga kalaban.
Kahit na maaaring mapalibutan siya ng mga manlalaro ng Happy ay walang problema doon dahil sa iyon naman ang gusto niyang mangyari. Pinili ni Huang Shaotian ang lokasyong ito, dahil sa malaki ang tiwala niya na mapipigilan niya silang lahat dito.
Gayunpaman, hindi siya nangahas na harapin itong Lord Grim ni Ye Xiu. Kasi naman, kapag kinaharap niya ang unspecialized na ito ay malamang na siya ang mapipigilan nilang lahat.
Dahil diyan, sa paglitaw ni Lord Grim sa harapan niya'y kaagad namang nagpadala ng sagot si Huang Shaotian sa mga sinabi ni Ye Xiu: "Hala, nakita mo na ako!"
Matapos bitawan ang mga salitang ito ay tumakbo na si Troubling Rain.