Nag-aalala si Chang Xian na baka hindi niya magawa ang trabahong itinakda sa kaniya. Pero sa totoo lang, masasabi mo naman na may kasalanan rin dito ang Happy dahil sa hindi nagiging matino sila kapag kinakausap.
Kasi naman, kahit na ang ibang mga Team ay hindi nagagawang makausap ng ibang mga Reporter. Sila ay may sarili naman nilang departamento para maglahad ng mga impormasyon sa publiko. Tungkol naman sa Happy?
Sa buong isang taon ay naging buo na ang pundasyon ng Team, pero wala pa rin silang maayos na sistema para sa ganitong klase ng sitwasyon. Kagaya ng Blue Rain!
Public Relations?
Walang ganiyang departamento ang Happy. Hindi sapat ang karanasan ni Chen Guo, at masyadong abala si Ye Xiu para makipag-usap sa mga Reporter. Wala siyang naging pakialam sa mga bagay-bagay na hindi naman direktahang nakakaapekto sa lakas ng kaniyang Team.