Sa wakas ay natapos na ang regular season.
Sa pagpupulong na naganap pagkatapos ng mga labanan sa huling yugto ng mga labanan sa regular season. Tinanong ng lahat ang mga Team na nakapasok sa playoffs, kung ano ang kanilang mga plano sa mga panahong sasabak na sila sa playoffs.
Silang lahat ay hindi nagsalita ng patapos, ipinaalam lamang nila sa lahat ang kanilang determinasyong manalo, at hindi naging malalim ang mga sagot nila tungkol sa kung may mga paghahanda ba silang ginagawa o wala.
Magsisimula sa Hunyo 14 ang unang yugto ng mga labanan sa playoffs. Ang unang labanan sa playoffs ay ang labanan sa pagitan ng Samsara, at Hundred Blossoms. Pagkatapos ng tanging walong araw lamang na pamamahinga, magtatagpo na naman ang dalawang Team na ito sa labanan.
Walong araw. Walang kahit na sino sa mga Team na ito ang paniguradong gagamitin ang mga araw na ito para magpahinga.