"Sa laban ng tiny Herb at Wind Howl, nakuha ng Tiny Herb ang unag round sa group arena!"
Patuloy na pinalabas ang pinapalabas ang laban sa pagitan ng Samsara at Hundred Blossoms, nanatili ring alerto si Pan Lin sa mga update sa ibang laban. Kung may mga progreso ang ibang laban, unahin ng mga tao na magbigay impormasyon sa palabas.
"Magandang balita ito para sa Hundred Blossoms. Kahit na ang Hundred Blossoms…" Hindi na nagpatuloy si Li Yibo.
Sa panig na ito, hindi pa tapos ang unang laban pero hindi maganda ang sitwasyon ng Hundred blossoms. Walang takot na pumasok si Zeng Xinran sa entablado at matapang na lumaban. Pero walang awa ang unang lumabas sa Samsara na si Sun Xiang. Bahagyang napagiwanan si Zeng Xinran sa teknikal na kaalaman. Wala na siyag pagpipilian sa sitwasyon na ito dahil wala siyang karanasan para tulungan siya. Deperado siyang lumaban pero wala ito kundi ang ayaw niyang pagtanggap ng talo.