Napapagod rin si Ye Xiu.
Maaaring minsan, ang panilang pagsisikap ay sapat na para malampasan ang pagod pero alam ni Chen Guo na hindi nagkukulang si Ye Xiu ng pagsisikap. Kailangan niyang magpahinga sa parehas na rason kaya sinabi niya na ipasok si Wei Chen at Luo Ji na maglaro sa mga laban. Kailangan niyang ihanda ang sarili niya sa playoffs ng maigi. Kailangan niyang maging 100% ng kanyang enerhiya sa playoffs.
At ngayon kahit na nakalambitin sila sa agawan sa nangungunang walo, ang Ahppy ang may pinakamaraming puntos sa lahat ng direktang kakumpetensiya.
Sinubukan ni Chen Guo na magisip ng maganda at noong nagsanay sila para sa team round ngayon linggo, nagensayo sila ng wala si Ye Xiu at si Lord Grim.
Hindi nagtagal, duamting ang Mayo ika-8 at nagsimula ang Round 34.
Desperadong naghirap ang Happy at iba pang team na gustong makapasok sa playoffs habang ang mga powerhouse na nangunguna ay naghahanda na para sa playoffs.