Bumagsak si Dancing Rain.
Ganitong klase ng tao si Wang Jiexi. Hindi siya nabibigo sa huling mga pagkakataon. Matatalo siya pero hindi manghihina ang kompyansa ng kahit na sino sa kanya. Bilang resulta, kahit na kalaban niya ang marami, kahit na naglalaro siya laban sa tatlong kalaban mula sa Happy katulad noong nakaraan, nilagay pa rin ng mga manlalaro ng Tiny Herb at taga-hanga nito ang kanilang paniniwala sa kanya.
Noon, sa Home Game ng Happy.
At ngayon, sa Tiny Herb.
Sa sandaling bumagsak si Dancing Rain, nakikita lang ni Chen Guo ang labi ni Wei Chen na gumaglaw. Naisip niya na nagmumura pa rin ito. Para sa aktwal na laman? Malamang hindi niya rin marinig ang sarili niya.